Sunday, July 1, 2007

Ran Fanatic Horoscope

Aries

(3/21 – 4/19)

Dahil sadyang masipag ka, may makukuha kang super-duper-over-mega-to-da-max surprise from someone.


Taurus (4/20 – 5/20)
Wag maging sawsaw. Hindi mo magugustuhan ang magiging kalalabasan mo pag rumesbak ang lupit ng tadhana.



Gemini
(5/21 – 6/20)

Wag maging masyadong makulit kung ayaw mong ma-basted. ^_~

Cancer (6/21 – 7/22)
Naipanganak na rin ang katapat mo. Kaya ayan, dedz ka sa PK.



Leo (7/23 – 8/22) May makiki-epal sa pakikipagsapalaran mo sa mundo ng RAN. Kung papatay-patay ka, maaagaw sayo ang loot mo ng hindi ka man lang nakapapalag. At dahil 2nd planet sa solar system ang Venus, ngayong week mo na dapat ipagtapat ang tunay mong saloobin.



Virgo
(8/23 – 9/2)
Iniisip mo tuloy kung sino ang nag-imbento ng mga ka-kornihan sa horoscope na ito. Pero sabi mo nga, kung sino man yun, alam mong gwapo at matalino ang may-akda ng horoscope na ‘to. Por dat, matamis ang ngiti ng tadhana sa iyo.


Libra
(9/23 – 10/22)
Male-late ka sa school at malamang lagot ka na naman sa class adviser mo. Samahan mo pa ng inis dahil maiiwan mo rin ang payong mo sa bahay. Kaya ayan, mauulanan ka na, pagagalitan ka pa.Pero sulit lahat ng badtrip dahil papansinin ka nya sa linggong ito.

Scorpio
(10/23 – 11/21)
May maaapakan kang malagkit at mabaho sa isang madilim na eskinita.



Sagittarius
(11/22 – 12/21)
Merong kumag na bigla na lang ipi-PK ka. Dahil bigla ka na lang na-umbagan, dedz ka na (dahil na-biktima ka rin ng uber lagness).



Capricorn
(12/22 – 1/19)
Gagawa ka ng bagong character sa bagong Wrath server. Hindi malayong mangyari na maging top player ka ng server na yan kung talagang pag-iigihan ang pagpapa-level. Bibili ka ng sandamakmak na EP para mamili ng training rosaries at kung anu-ano pang eklavu.


Aquarius
(1/20 – 2/18)
Panahon na para aminin mo sa kanya at sa sarili mo kung ano nga ba talaga ang sagot sa
Tanong: Aanhin pa ang damo kung ang balon ay malalim?

Pisces
(2/19 – 3/20)
Meron isang tao sa buhay mo ngayon na kulit ng kulit sayo. Pagbigyan mo na kasi para matahimik ka na. Yiiihiiy!

No comments: